Mga militanteng grupong nagtangkang manggulo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite – arestado

Cavite – Arestado ang walong miyembro ng militanteng grupong Bayan at Gabriela matapos magtangkang manggulo sa selebrasyon ng ‘Araw ng Kalayaan’ sa Kawit, Cavite.

Habang nagtatalumpati si Senador Ping Lacson, bigla umanong nagsisigaw ang grupo ng “huwad na kalayaan” habang nakataas ang tikom nilang kamao.

Pinigilan ang mga militante sa loob ng mobile patrol habang isinasagawa ang programa.


Sinabayan din ng kilos-protesta ang selebrasyon ng Independence Day sa Metro Manila partikular sa Kalaw Avenue at Bonifacio Shrine.
DZXL558

Facebook Comments