Mga militanteng guro, may reaksyon sa talumpati ni Vice President at Deped Secretary Sara Duterte

Sabay-sabay na pinanood at binigyang reaksyon ng mga guro ang mga inihayag at mga pangako ng pangalawang pangulo sa kaniyang talumpati.

Ayon kay teacher Ruby Bernardo, ang pangulo ng union ng Alliance of Concerned Teachers o ACT-NCR, matagal nang nasa batas at dapat na lang ipatupad ang mga ipinangako ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang unang basic education report kanina.
Aniya, ang health benefits at bayad sa sobrang workload na sinabi ni Duterte ay matagal nang nasa batas.

Aniya, marami nang guro ang namatay sa mga karamdaman nang dahil sa kawalan ng health benefits o pampagamot.


Pagdating naman sa overtime pay, marami pa aniyang utang sa kanila ang pamahalaan dahil napakaraming guro ang nag-overtime noong kasagsagan ng pandemya.

Nanawagan ang grupo ng mga guro sa DepEd na makipag-usap sa kanila para malaman ng mga opisyal ng pamahalaan ang totoong sitwasyon at pangangailangan sa mga eskwelahan at mga guro.

Facebook Comments