CAAP, kinumpirma ang pagkakaaresto sa isang pasahero ng eroplano sa Davao dahil sa bomb joke

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isa na namang pasahero ang naaresto sa airport dahil sa bomb joke.

Isang 59-sanyos na babae ang inaresto sa Davao International Airport dahil sa bomb joke.

Si Annabelle C. Macose ng Pangasinan at 221 pasahero ng Cebu Pacific mula Davao at patungo ng Manila ang pinababa ng eroplano ng airport authorities.


Halos tatlong oras na hinalughog ng mga awtoridad ang buong eroplano at ang lahat ng mga bagahe ng mga pasahero.

Nang maideklarang clear ang aircraft at mga bagahe ay saka lamang na pinayagan makalipad ang eroplano patungong Maynila.

Naiwan naman sa Davao ang suspek at ikinulong sa presinto habang umuusad ang imbestigasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments