Mga militanteng kongresista, naghain ng petiston sa Korte Suprema laban sa “Sweetheart Deals” ng Meralco

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema sina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Zarate para hilingin ang pagpapawalang-bisa sa tinguriang ‘sweetheart deals’ ng Meralco sa sarili nitong generating companies.

 

Ayon sa petitioners, ang naturang mga kasunduan ang lalong magpapataas sa singil sa kuryente sa susunod na dalawampung taon.

 

Sa kanilang “Petition-in-intervention with an application for urgent relief by way of Temporary Restraining Order (TRO) and/or Writ of Preliminary Injunction, hiniling din nina Colmenares at Zarate na payagan sila ng Supreme Court na


mag-intervene sa naunang kaso na inihain noong 2017 ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc.

 

Partikular na inirereklamo ng petitioners ang pagpapahintulot ng Energy Regulatory Commission sa Meralco na huwag dumaan sa tamang proseso o sa competitive bidding process ang kanilang pagbili ng kuryente sa power distributors.

 

Bunga anila nito, nagkaroon ng overpricing sa presyo ng kuryente.

Facebook Comments