Sinugod ng mga militanteng magbubukid mula sa Southern Tagalog Region ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.
Ito ay para igiit ang pagpapalaya sa political detainees at pagpasa ng makatotohanang repormang pang-agraryo.
Nauna nang nagbanta na lulusob sa US Embassy ang mga raliyista pero hindi na natuloy kung saan bantay sarado ng mga awtoridad ang paligid nito.
Dahil dito, idineretso nila ang kanilang caravan sa DOJ.
Plano ng mga militante na magsagawa pa ng mga hiwalay na kilos protesta sa tanggapan ng Sugar Regulatory Administration, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform mamayang hapon.
Matapos nito ay plano rin nilang dumiretso sa Mendiola upang doon ipagpatuloy ang kanilang programa.