Philippine Azkals, mas gagaling pa sa pagbabalik ni Hanz Michael Weiss bilang head coach

Matapos ang halos isang dekada, balik na sa pagiging head coach ng Philippine Azkals si Hans Michael Weiss.

Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) President Nonong Araneta na ikinagagalak nila ang pagbabalik ni Coach Weiss sa koponan para pamunuan ang Philippine Men’s National Team.

Sa ilalim ng pamumuno ni Weiss, nakaabot ang Azkals sa third place sa AFC Challenge Cup noong 2012 at nakapaglaro din sa semifinals ng AFF Championship sa kaparehong taon.


44 beses na naglaro ang Azkals ni Weiss kung saan may 21 panalo, 12 talo at 11 na tabla.

Samantala, sasabak ang Azkals sa ilang friendly matches kontra Nepal sa June 15 at sa Chinese Taipei sa June 19, na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Facebook Comments