Manila, Philippines – Hanggat hindi si Pangulong Duterte ang nagsasabing itigil na ang usaping pangkapayapaan ay hindi bibitaw ang mga militanteng mambabatas na maipagpapatuloy pa rin ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDFP.
Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, kung walang deklarasyon na itigil o tapos na ang peace negotiations ay hindi nangangahulugang tuluyan ng nalusaw ang usapin.
Sinabi ng mambabatas na malaki pa rin ang pag-asa dahil nangyari na rin ito noong mga naunang rounds ng negosasyon.
Aniya, nabubuhay muli ang peace negotiations dahil sa mga back channeling talks na ginagawa sa pagitan ng gobyerno at NDFP.
Itinuturo naman ni Tinio sa gobyerno ang pagpalya sa peace talks.
Aniya, malinaw na nakasaad sa kasunduan na dapat ay magkaroon muna ng settlement sa ugat ng armed conflict bago ang ceasefire pero ito ay hindi tinutupad ng gobyerno.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558