Mga militanteng mambabatas, hinimok ang gobyerno na ituloy pa rin ang GRP-NDF peace talks

Manila, Philippines – Hinimok ng mga militanteng mambabatas ang Pangulong Duterte na bigyan pa ng pagkakataon ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, dapat na irekunsidera ng dalawang panig ang kahalagahan ng usapin para sa nakararami.

Tinawag naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na “gravely unfortunate” ang naging kanselasyon ng ikalimang round ng peace negotiations.


Nanghihinayang si Zarate sa layo at lawak na ng narating ng usaping pangkapayaan.

Marami na rin aniyang napagkasunduan at paghahanda mula sa iba’t ibang grupo, mga komite at maging ng panel.

Sinuspinde ng Pangulo ang peace talks sa CPP-NDF dahil sa patuloy na pag-atake ng NPA laban sa pwersa ng gobyerno.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments