Mga militanteng mambabatas, umalma sa rightsizing ng gobyerno; kontraktwalisasyon at job orders dapat na unahin ng pamahalaan

Manila, Philippines – Umalma ang Makabayan sa Kamara hinggil sa pag-apruba sa rightsizing bill na layong bawasan ang mga posisyon sa gobyerno na may magkakaparehong trabaho o gawain.

Giit ni Act Teachers Rep. France Castro, kung nais talaga ng gobyerno na maging epektibo ang serbisyo publiko ay dapat na unahing i-address ang problema sa kontraktwalisasyon at job order.

Nangangamba naman si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na kapag pinag-isa-isa ang ilang ahensya ng gobyerno o binuwag ang mga nonperforming offices ay mas lalong magiging daan ito sa paglobo ng bilang ng mga kontraktwal sa bansa.


Ginagamit lang aniya ng gobyerno ang rightsizing na kunwari ay para maging episyente ang serbisyo pero ang totoo ay pag-atake ito sa security of tenure ng mga manggagawa.

Sinegundahan ito ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na nagsabing magreresulta ang rightsizing ng malawakang tanggalan sa libo-libong kawani ng gobyerno.

Magpapalala rin anya ito sa kalagayan ng daan-daang libong contractual employees sa iba’t ibang departamento ng pamahalaan.

Facebook Comments