Manila, Philippines – Pinagpaplanuhan ng mga militanteng grupo kung ano ang kanilang gagawing kilos protesta mamaya matapos na mabigong makalapit sa US Embassy at PICC dahil sa pagtaboy sa kanila ng mga pulis.
Ayon kay dating Bayan Muna Representative Tedy Casiño na hindi makatarungan ang ginawang pagpapakalawa ng mga pulis n Super Sonic para mabuwag ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa Padre Faura dahil sa masakit sa tainga ang naramdaman ng mga rallyista.
Ala una ng hapon kanina umatras ang mga rallyista pabalik sa Liwasang Bonifacio habang ang ibang kasamahan nila ay dumeretso naman sa Mendiola para magkampo roon.
Marami ang nasaktan sa nangyaring kilos protesta kabilang ang apat na pulis at ilang mga militanteng grupo dahil sa nagkatulakan, batuhan ng mineral water, paluan at pagbobomba ng tubig sa mga rallyista kung saan malaki ang naitulong sa mga trak na iniharang ng mga pulis dahil kung walang trak malamanh ay nakalusot sana ang mga militanteng grupo patungo sa direksyon ng PICC at US Embassy.