Mga militanting grupo sa Cebu nag rally sa kasagsagan ng Asean Meeting sa Cebu City

150

*Kahit sa mahigpit na seguridad ng kapolisan, umiksina ang mga militanting grupo sa Cebu sa kanilang isinagawang rally malapit sa venue ng Asean Meeting sa Cebu City.*
*Naka standby na sana ang crownd dispersal managament team ng PNP ngunit , hindi namalayan ng kapolisan na nadestino sa labas ng Radisson Blu Hotel sa Cebu City ang grupo ng mga raliyesta na nakapalit sa gilid ng hotel bitbit ang kanilang mga banners at placard na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa pag host ng Pilipinas sa Asean Summit at Asean meetings.*
*Ayon kay Jonh Ruiz ng Bayan Muna Central Visayas na walang magandang naidulot ang paghost ng bansa sa Asean Summit kundi dagdag pahirap sa mga Pilipino dahil mas na-ingganyo ang gobyerno sa pangungutang na taong bayan ang nagbabayad, at hindi naman nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.*
*Dahil hindi na napigilan ng kapolisan ang mga raliyesta,hinayaan nalang nila itong makapahayag ng kanilang saloobin sa loob ng labing limang minuto at agad naman nagsialisan matapos sa kanilang rally.*
*
*DYHP RMN CEBU Asean Meeting, rally *

Facebook Comments