Mga miyembro at opisyal ng npa patuloy na hinikayat na sumuko kasunod ng pagkakapatay ng NPA commander  at dalawang kasamahan nito sa operasyon sa Antipolo

Hinihimok pa rin ng Philippine National Police ang mga opisyal at miyembro ng New Peoples Army na sumuko sa gobyerno.

 

Ito ay matapos na mamatay sa operasyon ng militar at pulisya ang isang NPA commander na kinilalang si Armando Lazarte alias Pat Romano at dalawa nitong tauhan matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanilang safehouse sa Antipolo City kaninang madaling araw

 

Si alyas Pat Romano ay nagsisilbi bilang secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military area 4a.


 

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac ginagawa ng PNP at militar ang lahat para maisakatuparan ang executive order no. 70 o ang  pagtatapos ng  local communist armed conflict sa bansa.

 

Giit ni Banac magbalik loob na ang mga makakaliwang grupo sa pamahalaan dahil may nakalaang pabuya ang mga ito mula sa gobyerno, maging ang pangkabuhayan nila para makapagsimula sa pagbabagong buhay ay ibibigay ng gobyerno.

 

Batay sa update ng AFP mayroong 8,707 na mga NPA ang sumuko, naaresto at nasawi sa mga operasyon ng militar mula January 1 hanggang November 20, 2019

Facebook Comments