Mga miyembro ng executive government, hindi dapat pansinin ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng executive government na huwag pansin ang mga ipapatawag na pagdinig ng senado na pinamumunuan ni Senate Blue Ribbon Committee at Senator Richard Gordon.

Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, binanatan nito si Senator Gordon dahil sa pagpapahiwatig ng senador na mahaba-haba pa ang imbestigasyon sa isyu.

Nagpahayag din ang pangulo ng pagkainis matapos matapos muling padaluhin sa pagidnig si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi naman isinama sa pagtatanong.


Kasabay nito, ipinag-utos din ng pangulo sa mga pulis at militar na huwag sumunod sa senado sakaling mayroong mga indibidwal na ipapa-contempt.

Facebook Comments