Mga miyembro ng grupong KADAMAY, nagkilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng NHA

Manila, Philippines – Nagkilos-protesta sa harapan ngtanggapan ng national Housing Authority ang mga miyembro ng grupong KADAMAYbilang pagtutol sa nakaambang paggiba ng mga bahay sa Sitio San Roque, barangaybagong Pag-Asa, Quezon City.
  Ayon kay Carlito Badion, Secretary General ng KADAMAY –May 9 nang magbigay ng pitong araw na palugit ang NHA para lisanin ng mgaresidente ang agham Sitio San Roque.
  Aminado naman si Badion na ilan sa mga informal settlersa Sito San Roque ang nabigyan na ng relocation o pabahay sa Montalban peromuling bumalik sa dating tirahan.
  Depensa nito, hindi maganda ang pabahay ng gobyerno saMontalban at wala ring kabuhayan.
  Sa huli, nanindigan ang grupo na lalaban sila para hindimagiba ang mga bahay sa Sitio San Roque.
 
 
     

Facebook Comments