Handa na ring humarap ngayong araw ang mga miyembro ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD sa pulong na ipinatawag ni Vice Preisdent Leni Robredo.
Ang ICAD ay binubuo ng iba’t-ibang ahensya gaya ng PDEA, DILG, Dangerous Drugs Board, at DOH.
Ayon kay DILG ASEC. Ricojudge Echiverri, umaasa sila na mas maliwanagan si robredo tungkol sa kampanya kontra ilegal na droga kapag narinig na niya ang kanilang panig.
Aniya, baka ang pangalawang Pangulo pa ang makapagbigay liwanag sa International Community sa harap ng mga maling impormasyon tungkol sa mga patayan.
Dahil dito, handa na ang DOH sa inaasahang paglobo ulit ng mga pasyente sa mga Drug Rehabilitation Centern ng gobyerno.
Facebook Comments