11 kilo ng shabu, narekober ng Militar sa nabawing hideout ng Maute Group

74

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakarekober sila kilo-kilong shabu sa isang pinagkutaan ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – nasa 11 kilo ng shabu ang nakumpiska nila sa nabawi nilang hideout ng kalaban.

Dahil dito, naniniwala ang AFP sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na konektado ang ilegal na droga sa paghahasik ng terorismo ng Maute Group.

*

Facebook Comments