Patuloy na dumarami ang bilang ng miyembro ng Pag-IBIG Fund na nagungutang para sa pabahay sa nagdaang limang taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Pag-IBIG Deputy Chief Executive Officer Alexander Aguilar na tiyak na mapapanatili nito ang mababang interes sa housing loan dahil sa ipatutupad na 100% contribution hike sa Pebrero.
Ani Aguilar, dahil sa dagdag kontribusyon ay makalilikom ang Pag-IBIG ng ₱38 bilyon.
Mas mapalalakas din aniya ang kakayahan ahensya na magpautang ng pabahay sa mas marami pang miyembro.
Base sa anunsyo ng Home Development Mutual Fund, mula sa kasalukuyang tig-₱100 na binabayaran ng employer at ng mga manggagawa ay magiging tig-₱200 na o katumbas ng ₱400 ang buwanang kontribusyon sa Pag-IBIG Fund simula sa Pebrero.