
Nagsagawa ng serye ng aktibidad ang Reserve Command ng Philippine Army sa Intramuros, Maynila.
Ito’y bilang paggunita sa sakripisyo at kabayanihan ng mga Pilipino katuwang ang mga Amerikano noong World War II.
Nagsagawa sila ng wreath laying sa bantayog ng Battle of Manila na nagsilbing paalala sa pagpatay sa mahigit 100,000 sibilyan kabilang na ang mga bata at mga kababaihan na gawa ng puwersa ng mga sundalong hapon.
Ito’y sa kabila ng nauna nang deklarasyon bilang Open City sa Kalakhang Maynila sa paniniwalang hindi ito aatakehin ng mga sundalo ng Japan.
Nagmartsa ang mga Army reservist sa paligid ng Intramuros bago nagdaos ng ibat ibang aktibidad.
Kabilang dito ang pagsasadula ng sagupaan ng mga Pilipino kasama ang mga Amerikano laban sa mga Hapon.










