Mga miyembro ng PhilHealth na tinamaan ng dengue at leptospirosis, makakatanggap ng benepisyo

Makatatanggap ng benefit packages o benepisyo ang miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tinamaan ng dengue at leptospirosis.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Dr. Israel Pargas, sa dengue cases, makakakuha ng ₱10,000 package ang isang miyembro para sa simpleng kaso ng dengue habang ₱16,000 naman sa severe o malubhang kaso ang taglay ng pasyente.

Para naman sa kaso ng leptospirosis, pwedeng i-avail ng pasyente ang ₱11,000 na package rate.


Dagdag pa ni Pargas, mayroon silang ₱100-M na benefit package para sa kaso ng dengue at ₱700-M naman para sa leptospirosis.

Facebook Comments