BuCor, pinabulaanan na may mass grave sa Bilibid

Pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang Jr., na may mass grave sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ayon kay Catapang, tatlong septic tank na ang sinuri ng forensic experts pero negatibo ito.

Bunga nito, maituturing na aniya itong case resolved.


Una nang idineklara ng mga eksperto na buto ng manok ang nakuha sa septic tank ng Bilibid.

Facebook Comments