Mga miyembro ng PISTON muling nanawagan na ibasura na ang PUV modernization program, matapos ang deadline ng consolidation

 

Itinuloy pa rin ng ilang mga miyembro ng grupong PISTON ang pamamasada sa kabila ng pagtatapos ng deadline ng consolidation para sa PUV Modernization Program.

Giit ng mga tsuper na may biyahe ng L. Guinto hanggang Guadalupe, Makati, kakailanganin pa rin ng publiko ang puwersa ng mga tradisyunal na jeep dahil kaunti ang mga modern jeep na pumapasada sa mga kalsada.

Paliwanag pa nila, wala pa rin naman maayos na sistema ng pagpapatupad kahit na natapos ang deadline ng consolidation.


Sinabi pa ni Diony Dayola, Presidente ng Aguajoda, hindi sila nawawalan ng pag-asa kahit marami sa kapwa tsuper at operator ang nag-consolidate na saka iginiit na itutuloy ang laban para sa kanilang kabuhayan.

Hinihintay rin nila ang ilalabas na desisyon ng Supreme Court kaugnay ng petisyon ng grupong PISTON para ipatigil ang nasabing programa kung saan nananawagan sila sa gobyerno na ibasura na ang plano.

Matatandaan na tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na bibigyan ng “due process” o hindi agad aarestuhin ang mga hindi consolidated jeep na bibiyahe pa rin ngayong araw.

Facebook Comments