Sumailalim sa random drug test ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group kaninang umaga.
Ayon kay Lt. Michelle Sabino, Chief Public Information Officer (PIO) ng Anti-Cybercrime Group, nasa 24 na personnel ng PNP Anti-Cybercrime group ang dumaan sa nasabing random drug test.
Ang random drug test ay regular na ginagawa ng PNP sa kanilang mga tauhan kasunod ng programa kontra iligal na droga.
Aniya, makukuha ang resulta sa loob ng 24 oras.
Kasunod nito, umaasa silang lahat ay magnenegatibo sa nasabing drug test.
Pero kung may magpositibo naman ay tiyak na may kahaharapin itong parusa at kasong administratibo.
Facebook Comments