Mga miyembro ng Surigao Dockworkers Union nagwelga laban sa Prudential Customs Brokerage Services Incorporated Sinimulan na kaninang madaling araw ang welga ng mga miyembro sa Surigao Dockworkers Union laban sa management ng Prudential Custom Brokerage Incorporated(PCBSI) sa Bilang-Bilang Area, Brgy. Taft, Surigao City. Ayon kay Jovito Lapure, ang PIO ng union, matapos na walang positibong nangyari sa negosasyon noong Agosto 17 kasama ang PCBSI, itinuloy na nila ang welga. Diumano’y hindi ibinigay ng management ang kanilang demand na P150 na karagdagang sahod bawat araw, kasama ang Water at Electric Allowance, lalo na ang benepisyo sa 15 day sick at vacation leave. Binigyangdiin ni Lapure, sa isinagawang welga ang apektado lamang ang mga kargamento, hindi kasali ang mga pasahero ng iba’t ibang barko. Ang hindi nila pinapapasok sa gate ng PPA ang mga miyembro ng dockworkers lamang kaya hindi pa apektado ang kabuuang operasyon sa loob ng Eva Macapagal Passenger Terminal ng Surigao City. Nakatakdang magsagawa ng pagtitipon ngayong araw ang mga nagwelgang opisyal ng Surigao Dockworkers at management ng PCBSI sa panibagong negosasyon.
Mga miyembro ng Surigao Dockworkers Union nagwelga laban sa Prudential Customs Brokerage Services Incorporated
Facebook Comments