Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na mayroon ngang lumutang na impormasyon na mayroong mga miyembro umano ng Maute terror group na gusto nang sumuko sa Pamahalaan.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, sa ngayon ay bineberipika na nila ang impormasyong ito na nakarating sa kanila at inaalam kung ilan ang bilang ng mga gusto umanong sumuko.
Paliwanag ni Padilla, hindi nila alam kung ang mga gustong sumuko ay ang mga original members ng Maute o ang mga bihag na pinilit ng Maute na makipagbakbakan.
Binigyang diin naman nito na kung may makikitang senyales na mayroong gustong sumuko sa pammagitan ng pagpapakita ng puting watawat ay irerespeto nila ito.
Hanggang sa ngayon parin naman ay hindi parin kinukumpirma ng AFP na hawak na nila si Fr. Chito Suganog ito naman ay sa kabila ng mga litratong lumalabas sa Social Media.
Batay sa impormasyong nakarating sa Malacanang papunta na ng Metro Manila ang pari sakay ng eroplano ng Philippine Airforce at dederetso umano muna ito sa Camp Aguinaldo bago umano pumunta ng Malacanang.
Hindi parin naman nagbibigay ng impormasyon ang palasyo sa nasabing usapin.
Mga miyembro umano ng Maute, gusto nang sumuko ayon sa AFP
Facebook Comments