Saludo ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lahat ng mga Pilipinong maituturing na modern-day heroes ngayong nakararanas ng pandemya dahil sa COVID-19.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. General Jose Faustino Jr., bawat Pilipino ay maaaring maging bayani sa kani-kanilang larangan at kahit maliit na pamamaraan.
Kinilala at sinasaluduhan ng hanay ng AFP ang lahat ng mga health worker, mga nagpo-produce ng pagkain ngayong pandemya at iba pang pangunahing mga pangangailangan.
Kinilala rin ngayong National Heroes’ Day ang mga nagpapanatiling ligtas sa lahat ng pamayanan ngayong humaharap ang bansa pandemya.
Kaugnay nito, panawagan din ni AFP chief of staff sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagpaparangal sa mga bayani ng bayan na naghandog ng kanilang sarili, makamit lamang ang kalayaan at demokrasyang ating tinatamasa ngayon.