Makikibahagi rin sa kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa ang grupo ng mga motor riders.
Ayon kay Don Pangan, Secretary General ng Kapatiran sa Dalawang Gulong o KAGULONG, mga riders ang pinakamatinding naapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown dulot ng pandemya.
Kasabay nito, ipinapanawagan nila ang social protection mula sa gobyerno dahil karamihan sa mga rider ay biktima ng diskriminasyon sa kalsada.
Sinabi ni Panganan na tinatayang aabot sa 200 riders ang makikilahok sa rally.
Facebook Comments