Sa opisyal na pag-anunsyo ng PAGASA ng rainy season sa bansa, ilang mga bahagi na rin sa lalawigan ng Pangasinan ang nakararanas ng pagputol putol na pagbugso ng ulan lalo na sa mga nasa malapit sa mga kailugan tulad na lamang ng mga island barangays sa lungsod ng Dagupan.
Struggle is real umano lalo na sa mga motorboat riders dahil sa panahong nararanasan ngayon.
Hindi kasi sapat ang toldang nagsisilbing panangga ng motorboat sa ulan at wala ring saysay ang mga payong dahil sa sumasabay sa pag-andar ng motorboat ang bugso ng ulan, malas daw talaga kapag nasaktuhan pang may malakas na hangin na kasama ang ulan at nasa gitna pa ng ilog.
Tag-ulan daw talaga ang kanilang kalaban sa tuwing papasok sa trabaho o hindi kaya ay uuwi na sa kanilang mga tahanan bilang ang motorboat ang easy access way lang nila para makabalik sa kani-kanilang island barangays.
Kaya naman ang iba, ay nakaready na sa kanilang mga panangga para di mabasa ng ulan tulad ng pagdadala ng makakapal na mga over all the kapote at mga malalaking payong para di na matamaan ng ulan kahit saan pa ito direksyon dumako.
Ang iba naman, tanggap na lang na mababasa na talaga sila ng ulan dahil simula’t simula pa lamang daw ay talagang ganito na ang nararanasan nilang mga taga-island barangay tuwing tag-ulan.
Ibayong pag iingat naman sa pagbiyahe ang isinasagawang mga motorboat drivers upang makaiwas sa disgrasya sa gitna ng pagbyahe tulad na lamang ng pagkasira ng kanilang mga makina o di kaya ay paglubog mismo ng motorboat. |ifmnews
Facebook Comments