Mga motorista, dapat maghanda sa matinding trapik na dulot ng mga infrastructure projects ng pamahalaan

nManila, Philippines – Humingi ngayon ng mahabang pasensya at pang-unawa ang advisers ng Administrasyong Duterte sa kakaharaping mabigat na daloy ng sasakyan sa Metro Manila sa mga susunod pang taon.

Ayon kay Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, magdudulot ng mabigat na daloy ng sasakyan ang mga nakalinyang infrastructure projects sa ilalim ng build-build-build program ng administrasyon.

Sinabi ni Concepcion na kailangang tiisin ang problemang ito dahil sa bandang huli naman ay malaking ginhawa ang idudulot ng mga proyekto kapag natapos na ang mga ito.


Nabatid na ilan sa mga proyektong Ito ay ang LRT line papuntang San Jose Del Monte sa Bulacan at ang subway system mulasa NAIA hanggang sa Quezon City.

Facebook Comments