Pulis na tinambangan kahapon, sinisilip ng MPD kung may kinalaman sa iligal na droga ang motibo ng pagpaslang

34

Manila, Philippines – Masusing tinitingnan ngayon ng MPD Homicide Division kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagpasalang kay PO2 Joey Imperial, 45 anyos, na tinambangan kahapon ng umaga ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa harap ng kanyang bahay sa 2106 sa Calabash Road, Barangay 539, Zone 53, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay MPD Homicide Division Chief P/Sr. Inspector Rommel Anicete, nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril malapit sa puso, isa sa tiyan at mga braso si PO2 Imperial na ikinamatay nito habang ginagamot sa United Doctors Medical Center.

Bago paslangin ang bagitong pulis ay nagbabasa ito ng dyaryo sa harap ng pintuan nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad umanong binaril ng isa sa suspek si PO2 Imperial na nagawa pang makipagpambuno sa suspek.

Bagaman may tama na ng bala ay nagawa pang makatakbo ni PO2 Imperial papasok sa loob ng kanyang bahay pero sinundan pa ng suspek saka nagsitakas.

Usap-usapan ng mga retiradong pulis na nakatira sa lugar na posibleng nasasangkot sa pagiging ninja cops si PO2 Imperial kung saan biniberipika ngayon ng MPD ang naturang ulat.

Facebook Comments