Mga motorista nabulaga sa punong nabuwal sa highway Datu Odin Sinsuat

*Bahagyang nabalam ang mga dumaraang motorista sa bahagi ng KM 13 sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao matapos mabuwal ang mga malalaking punong kahoy at dirediretsong bumagsak sa gitna ng highway.*

*Maaring sa sobrang lakas ng ulan na sinamahan pa ng malakas na hangin kagabi ang naging dahilan ng pagbagsak ng mga punong kahoy at maaring madaling araw na nadiskubre ang insidente.*

*Agad namang nagpadala ng Rescue Team ang DPWH Maguindanao 1 District sa pangunguna ng bagong talagang DEO Engr. Baintan Ampatuan at sama sama ring nagbayanihan ang mga residente at mga workers ng DPWH at ARMM HEART resulta ng mabilis na pagkakaalis ng punong bumagsak.*


*Matatandaang noong nakaraang linggo naging sugatan ang mag-iina sa isang baranggay ng DOS matapos mabagsakan ng nabuwal na punong mangga.*
*ARMM Heart Pic*

Facebook Comments