Mga motorista, pinaiiwas ni Manila Mayor Isko sa Roxas Blvd. matapos makitaan ng mga bitak

Pinapayuhan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno-Domagoso ang mga motorista, partikular ang truck drivers, na iwasan ang Roxas Boulevard lalo na ang Southbound matapos makitaan ng mga bitak.

Nakatakda namang magsagawa ng inspeksyon ang Manila City Engineer’s Office at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng Roxas Boulevard para ma-assess ang kundisyon ng kalsada.

Pinayuhan din ni Mayor Isko ang truck drivers na dumaan na muna sa lumang ruta sa Finance, San Marcelino, Quirino Avenue patungo ng Osmeña Highway.


Magugunitang noong Hunyo ng nakalipas na taon, isang 14-wheeler truck na may kargang buhangin ang nahulog sa butas sa Northbound Service Road sa kanto ng Remedios Street at Rajah Sulayman Park.

Ang naturang lugar ay patuloy na kinukumpuni ngayon at naka-kordon.

Facebook Comments