Mga Motorista sa Brgy. San Rafael, Isabela, Na-stranded dahil sa lampas tuhod na baha!

57

*Cauayan City, Isabela – *Umabot sa tatlong kilometro ang haba ng daloy ng trapiko ang na-stranded sa Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela dahil sa patuloy na pagbaha sa nasabing barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Lowel Parayno, isa sa mga miyembro ng REACT Radio group, lampas tuhod na kaninang umaga ang baha sa kanilang barangay na ikinaantala ng maraming motorista at biyahero.


Aniya, sanhi umano ito ng malakas na pagbuhos ng ulan kagabi at hindi rin umano nakayanan ng drainage kanal ang patuloy na pagbuhos ng ulan na dahilan ng pag-apaw ng tubig at pagbaha sa nasabing barangay.

Bagamat lampas tuhod na umano ang baha ay may mga motorista parin ang nagpumilit na sumuong sa baha upang hindi ma-stranded.

Ayon pa kay ginoong Parayno, Inaksyunan na rin umano ito kaninang umaga ng mga miyembro ng DPWH, PNP San Rafael, KABALIKAT at mga miyembro ng grupong REACT.

Facebook Comments

From Advertisers