Marami na ang bumabiyahe palabas ng North Luzon Expressway (NLEX) as of 12pm ngayong bisperas ng Undas, October 31.
Pero nananatili pa ring maluwag ang trapiko sa kahabaan ng NLEX at toll plaza partikular sa:
Mindanao Toll Plaza – light
Bocaue Toll Plaza – light
San Fernando Northbound- light
San Fernando Southbound- light
Tarlac Toll Plaza- light
Habang may 50 metrong pila na ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza at 1km traffic build up sa Valenzuela Interchange Northbound dahil sa vehicular accident.
May nakaantabay namang First Aid Station ng Philippine Red Cross at mga one stop shop booth sa may service station malapit sa Marilao exit.
Inaasahang mamayang hapon pa magsisimula ang pagbigat ng traffic volume sa expressway dahil sa mga motoristang luluwas ng probinsya.