Mga Muslim na papasok sa “safety bubbles” ng taunang Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia, lilimitahan na lang sa isang libo

Lilimitahan na lamang sa 1,000 Muslim worshippers ang papayagang pumasok sa “safety bubbles” ng taunang Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia kumpara sa mga nagdaang taon na aabot sa dalawang milyon.

Ayon kay Dr. Abdullah Assiri, Assistant Deputy Minister for Preventive Health ng Saudi Ministry of Health, ang nasabing hakbang ay para sa kaligtasan ng lahat.

Mahigpit din nilang inoobserbahan ang social distancing at ilang health protocols kung saan naglagay sila ng separators para sa pilgrims sa Grand Mosque.


May mga inilagay na marka sa lugar kung saan tatayo ang pilgrims para matiyak na nasusunod ang physical distancing.

Naglagay rin sila ng malalaking TV screens sa maraming lugar sa Mecca para doon na manood ang mga hindi nakadalong pilgrims.

Tanging ang may edad 20-50 anyos lamang ang pinayagan na makadalo.

Ang Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia ay nag-umpisa nitong July 28 at matatapos sa August 2, 2020.

Facebook Comments