Nailigtas na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang residente sa Lobos, Bohol na na-trap sa bubong ng kanilang tahanan at sa taas ng puno dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig dahil sa Bagyong Odette.
Ayon sa PCG, isinagawa ang rescue operation gamit ang PCG rubber boats dahil sa lagpas-taong baha sa Munisipalidad.
Paliwanag ng PCG ligtas namang nakarating sa evacuation center ang mga nailikas na residente kung saan sila nakatanggap ng karagdagang tulong mula sa Lokal na pamahalaan.
Ngayong araw, patuloy ang ginagawang pagmonitor ng PCG sa mga lugar na apektado ng hagupit ng bagyong Odette upang magbigay suporta sa mga ito.
Facebook Comments