MGA NAANOD NA BAKA SA DUMINIT, BIGONG MATAGPUAN

CAUAYAN CITY- Hindi na muling natagpuan pa ang ilang bakang nalunod at nawala noong kasagsagan ng Bagyong Enteng sa Brgy. Duminit, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Dante Dela Peña, matapos mapag-alaman ang sinapit ng mga alagang baka ay agad na naghanap ito ngunit sa kasamaang palad ay nabigo ang kanilang pamunuan.

Aniya, umabot sa labing tatlong baka at isang kalabaw ang nalunod sa kanilang barangay kung saan apat rito ay hindi na natagpuan pa.


Agad namang nagtungo sa kanilang barangay ang pamunuan ng Veterinary Office upang kunin ang mga listahan ng mga residenteng nawalan ng baka at kalabaw.

Samantala, umaasa naman ang mga biktima ng bagyong Enteng na makakatanggap ang mga ito ng assistance mula sa Lokal na Pamahalaan.

Facebook Comments