Ngayon ang ikalawang araw ng official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa japan.
Sa media interview kahapon, sinabi nitong maisasapinal sa biyahe ang mga naantalang proyekto dahil sa COVID-19 pandemic.
Aniya, mayroong developed interactions ang Pilipinas at Japan pagdating sa government-to-government (G2G) o kahit sa commercial ventures.
Paliwanag ng pangulo, may purpose ang bawat pagpupulong na kanyang gagawing sa Japan.
Una nang sinabi ng pangulo sa kanyang departure speech kahapon na ang biyahe niya sa Japan ay upang palakasin ang Manila at Tokyo collaboration upang mas palawak ang kakayahan ng bansa pagdating sa agriculture, renewable energy, digital transformation, defense at infrastructure.
Inaasahan ding makikipagpulong ang pangulo kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at audience kay Emperor Naruhito.
Makikipagpulong din ito sa mga business leader sa Japan para i-promote ang trade and investment opportunities sa bansa.
Aasahan din na bago bumalik sa Pilipinas sa February 12 ay makikipagkita ang pangulo sa Filipino community sa Japan.