Dumami pa ang bilang ng mga naapektuhan ng sama ng panahon nitong nagdaang Pasko.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumobo pa sa 48, 358 pamilya o katumbas ng 186, 459 indibidwal ang apektado.
Ang mga nabanggit na indibidwal ay mula sa mahigit 400 barangay sa MIMAROPA, Regions 5, 6, 8, 9, 10, 11 at BARMM.
Sa nasabing bilang, 10, 873 pamilya o 46, 479 na mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 105 na mga evacuation center habang ang nasa 40 pamilya ay mas piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.
Samantala, umaabot sa kabuuang 7,157 pamilya o nasa mahigit 29,000 indibidwal ang isinailalim sa pre-emptive evacuation mula sa Regions 8, 9 at CARAGA.
Facebook Comments