Iniwang patay ng nagdaang sama ng panahon, umabot na sa 17

Sumampa na sa 17 ang napaulat na nasawi bunsod ng pag-ulan at pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa nitong nakalipas na araw ng Pasko.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa 17 na naitalang nasawi, dalawa rito ang kumpirmado habang ang 15 ay patuloy pang bineberipika.

Nagmula ang dalawang kumpirmadong nasawi dahil sa sama ng panahon sa Region 8.


Maliban dito, may napaulat din na walong nasaktan at 27 ang kasalukuyan pang pinaghahanap.

Facebook Comments