Mga naapektuhan ng kaguluhan sa DAS pinagkalooban ng tulong

Nagpaabot na ng ayuda ang LGU Datu Abdullah Sangki, Maguindanao sa mga pamilyang naapektuhan ng kaguluhan sa mga liblib na bahagi ng bayan.
Kinabibilangan ito ng mga delata, noodles, kape at bigas. Sinasabing pansamantalang naninirahan ang mga ito sa kanilang mga kaanak ayon pa kay DAS Admin Officer Odjie Balayman.
Agad ring nagpaabot ng tulong ang LGU DAS sa pamilya ng 3 anyos na batang babaeng namatay matapos tamaan ng ligaw na bala.

Matatandaang humigit kumulang sa isang libong pamilya ang lumikas na magmula sa mga Baranggay ng Kaya Kaya , Old Maganoy, Tukanalogong matapos sumiklab ang tension sa pagitan ng dalawang kumander mula sa 106th Base Command ng MILF.
Maliban sa mga nabanggit na Baranggay ng DAS ilan pang pamilya mula sa kalapit bayan ng Ampatuan ang apektado ng kaguluhan.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsisikap ng mga opisyales ng MILF na maayos na ang hidwaan ng kanilang mga myembro.


Inaalam rin ang ugat dahilan ng sumiklab na engkwentro habang nakastandby na rin ang mga elemento ng Miltar at PNP para makapagbigay ng seguridad sa mga apektadong sibilyan.
LGU DAS Pics









Facebook Comments