Bumuo na ng isang Task Force ang Probinsya ng North Cotabato para sa rehabilitasyon ng lahat ng mga nasira ng tatlong magkakasunod na lindol noong nakaraang Oktubre.
Ayon pa kay North Cotabato Governor Nancy Catamco, sinabi nito naglabas na siya ng Executive Order para sa Provincial Comprehensive Rehabilitation Committee na tututok sa lahat ng pangangailangan sa pagbangon ng mga nasalantang pamilya.
Nakatakdang pulungin ni Governor Catamco ang mga miyembro ng naturang komite para sa agarang aksyon na ibibigay ng probinsya.
Ayon sa opisyal nais nitong mabigyan muna ng pansamantalang tirahan ang lahat ng mga nabiktimang pamilya para dahan dahan na silang makauwi mula sa mga evacuations centers.
Plano nitong gamitin ang P16-milyon na pondo ng probinsya at P10-milyon mula di-umano sa Office of the President para makapagsimula na ang rehabilitasyon.
From the FB Page of North Cot Governor