1 construction worker, sugatan matapos mahulog sa isinasagawang Renovation Sa Rizal Memorial Stadium

Nadisgrasya ang Isang construction worker na kasama sa nagsasagawa ng renovation sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Kinumpirma mismo ni Manila Police Station o MPD Spokesperson Lt. Col. Carlo Manuel na isang trabahador ang nahulog mula sa scaffolding harapang bahagi ng Rizal Memorial Stadium.

Base sa ulat ng MPD station 9, nakilala ang biktima na si Richard delos Santos, 46-anyos.


Nangyari ang insidente kahapon ng umaga (November 25), at naireport sa MPD dakong 11:45 ng umaga.

Nahulog ang lalaki habang nagdi-dismantle o nag-aalis ng mga scaffolding at nagkataong malakas ang ulan noong mga panahong iyon.

Agad na dinala ang biktima sa isang ospital sa Maynila kung saan ayon sa mga saksi, naka-sandi at naka-shorts lamang ang biktima.

Hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang Philippine Sports Commission hinggil sa insidente.

Facebook Comments