MGA NAAPEKTUHANG PAMILYA SA BINMALEY NOONG BAGYONG UWAN, PATULOY NA BUMABANGON

Patuloy na nagsisikap na makabangon ang mga residente ng Barangay Sabangan, Binmaley matapos masalanta ng Bagyong Uwan, kung saan maraming kabahayan ang napasok ng tubig at nabasa ang karamihan ng kanilang kagamitan, kabilang ang mga gamit sa pagluluto.
Bukod dito, ilang puno rin ang tumumba at nananatiling nakahandusay sa baybayin, dahilan upang magsagawa agad ng clearing operations ang MDRRMO upang maalis at maputol ang mga harang na debris.
Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang naghatid ng ayuda, kabilang ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer at family food packs mula sa DSWD, kung saan 469 na benepisyaryo ang tumanggap ng tig-₱5,264 at relief goods.

Nagbigay rin ng hygiene kits ang DOH, habang nagsasagawa ang DOLE ng TUPAD profiling at validation para sa karagdagang suporta.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residenteng nakatanggap ng tulong.
Patuloy pang binibigyang pansin ng ilang opisyal ang kalagayan ng mga nasalanta sa lalawigan.

Facebook Comments