Umabot na sa 1,674 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, pinakamarami sa mga ito ay mga sibilyan na bumibilang ng 1,611.
25 naman ang security personnel, 15 ang miyembro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 14 ang iba pa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na nasa 600 kasunod ang Region 4A na may 184, Region 7 na may 181, Region 3 na may 170 at Region 6 naman na mayroong 86.
Resulta ito ng 1,553 operasyong isinagawa mula Enero 9 hanggang kahapon.
Nakumpiska naman ng PNP sa mga nabanggit ang 1,302 firearms; 598 deadly weapon, at mahigit 7,237 na mga bala.