Mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa San Juan, nasa 40% na

Inihayag ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na nasa 40% na ang nabakunahan sa lungsod.

Ito ay katumabas any ng 33,736 indibidwal mula A1 hanggang A4, o medical frontliners, senior citizens, person with comorbidities, at economic frontliners.

Aniya, ang 40% na nabakunahan ay mula sa 85,400 na target mabakunahan laban sa COVID-19 ng lungsod upang makamit ang herd immunity.


Kasabay nito, hinikayat ng alkalde ang mga manggagawa ng lungsod na magparehistro na para sa kanilang COVID-19 vaccination program upang maging ligtas.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pagtuturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga vaccination site ng lungsod.

Facebook Comments