Mga nabakunahan ng anti-COVID-19 vaccines sa bansa, sumampa na sa higit 3.2 milyon

46

Umaabot na sa kabuuang 3,299,470 mga Pilipino ang nabakunahan na ng anti-COVID-19 vaccine.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje, pinuno ng National Vaccination Operations Center na patuloy na dumarami ang mga nababakunahan kasunod na rin ng pagdagsa ng bakuna sa bansa.


Sa nasabing bilang, 1,240,119 na health workers ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna habang nasa 453,266 ang nakakumpleto na ng 2nd dose.

Sa mga senior citizen o A2 category, 714,312 na ang nakatanggap ng 1st dose at 110, 290 ang tapos na maging ang kanilang 2nd dose.

Sa hanay naman ng A3 category o may mga comorbidities, 548,844 ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 222,780 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.

Nasa 9,667 frontline personnel o A4 category ang nakatanggap na ng 1st dose habang 192 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.



Sa ngayon ani Cabotaje, mayroong 1,129 vaccination sites sa bansa.


Positibo naman ito na bago matapos ang kasalukuyang buwan ay makakamit ang target na 4 milyong mga Pilipino ang bakunado na.

Facebook Comments