LOLANG NAKAMOTORSIKLO NA INIWASAN ANG ISANG NAGBIBISIKLETA, NAHULOG SA CREEK, PATAY

17

POZORRUBIO, PANGASINAN – Nahulog sa isang creek ang isang lolang nakamotorsiklo matapos nitong iwasan ang isang nagbibisekleta sa Brgy. Alipangpang Pozorrubio, Pangasinan.

Kinilala ng awtoridad ang nasawi na si Loida Cendaña, 64 anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Pozorrubio, binabagtas ng biktima ang kalsada ng barangay nang iwasan nito ang isang nagbibisikleta ngunit nawalan ng kontrol sa manibela dahilan upang ito ay mahulog sa creek.


Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad i-sinugod ng mga concerned citizen sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments