Mga nabakunahan sa Metro Manila habang naka-ECQ umabot sa 1.8-M

Iginiit ng Department of Health (DOH) na gumanda ang COVID-19 vaccination sa Metro Manila kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje, umabot sa 1.8 million na populasyon ng National Capital Region (NCR) ang naturukan na ng COVID-19 vaccine habang umiiral ang ECQ.

Aniya, ang 7-day average na mga bakunang naituturok sa Metro Manila habang naka-ECQ ay umabot na sa 168,063 na mas mataas ng 17,000 jabs sa dating 151,924.


Sabi pa ni Cabotaje, na malaking factor kaya tumaas ang bilang ng mga nagpapabakuna ay ang banta ng Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments