45.67% ng mga senior citizen sa bansa, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Halos kalahati na ng populasyon ng mga senior citizen sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, umabot na sa 45.67 percent o 3.77 million senior citizens ang nakatanggap na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Aniya, nasa 3.2 million o 38.81 percent naman ng elderly population ang nakatanggap ng unang dose.


Una nang sinabi ng World Health Oraganization (WHO) na unahin ang mga matatanda sa pagbabakuna dahil sila ay mas risk na tamaan ng virus.

Facebook Comments