Mga nabakunahang bata sa Quezon City, nasa 38 percent lang dulot nang takot ng mga magulang sa pandemya

Inihayag ni Quezon City Health Department Head Dr. Esperanza Anita Arias na dahil sa takot ng mga magulang dahil sa COVID-19 pandemic, abot lang sa 38% ang mga batang nabakunahan sa lungsod.

Aniya, nakapag-bakuna lang sila ng 20,705 na mga bata mula January hanggang September 2020.

Ang target number na mabakunahan ay nasa 54,413.


Dahil sa oubreak ng mga sakit, pursigido ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na mapabakunahan ang lahat ng mga bata.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kahit may pandemya, hindi dapat tumigil sa pagbabakuna sa mga bata partikular sa mga itinuturing na nasa mga bulnerableng sektor.

Apela ni Belmonte sa mga magulang, makipagtulungan sa immunization efforts at pabakunahan ang kanilang mga anak.

Pinatitiyak ng lady mayor sa Quezon City Health Department na masusunod ang istriktong health protocols upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 habang isinasagawa ang vaccination drives.

Facebook Comments